Alam ba ninyo na
sa mga kabahayan na nakasama sa surbey ukol sa mga
produktong pagkain na may Sangkap Pinoy Seal (o SPS), walo
sa bawa’t sampu sa
kanila ang bumibili ng produkto na may SPS? Ito ay ayon sa
7th National Nutrition
Survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute
ng Department of
Science and Technology (o FNRI-DOST). Tandaan, pag bumibili
ng processedfoods,
laging hanapin ang tatak ng Sangkap Pinoy.
Ang Sangkap Pinoy Seal o SPS ay tatak na ibinibigay ng
Department of Health
bilang katunayan
na ang mga produktong mayroon nito ay nakapasa sa tamang
antas ng food
fortification o dagdag sustansiya gaya ng bitamina A, yero (o iron)
at yodo (o
iodine).
Makakamit ang
tamang nutrisyon sa abot-kayang presyo sa mga produktong
pagkain na may
SPS.
Ngunit tandaan na
ang pagkain ng iba’t-ibang uri ng pagkain ang siya pa ring
tuntunin sa tamang nutrisyon at kalusugan.
Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI_DOST, ang
pangunahing ahensiya
ng gobyerno sa
pananalilsik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang
impormasyon at
kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay
Dr. Mario V.
Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address:
mvc@fnri.dost.gov.ph,
mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-
3164 Maari ding bisitahin ang FNRI-DOST website:
http://www.fnri.dost.gov.ph.
(FNRI-DOST S
& T Media Service/PIA Bulacan)
No comments:
Post a Comment