Friday, April 27, 2012

Produkto mula sa yakon ginawa ng FNRI




Alam ba ninyo na ang yakon ay tumutulong sa pagpapababa ng lebel ng asukal
at kolesterol sa dugo? Ang yakon ay isang uri ng lamang-ugat na matatagpuan sa
Nueva Vizcaya, Misamis Oriental, Cordillera at iba pang bulubundukin na lugar.

Ayon sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of
Science and Technology o FNRI-DOST, ang yakon ay maaaring gawin sa ibatibang
produkto gaya ng tsaa, juice, salad, at iba pa.

Ang mga lamang-ugat gaya ng yakon ay nagbibigay ng enerhiya at lakas sa
katawan. Ang kakulangan sa pagkain ng karbohydrat (o carbohydrates) ay
hahantong sa mababang timban, panghihina, pagkahilo at pagbaba ng l;ebel ng
asukal sa dugo, ayon sa Gabay sa Wastong Nutrisyon” ng FNRI-DOST.

Ugaliing kumain at maghanda ng mga lamang-ugat tulad ng yakon, kamote,
kamoteng-kahoy, ube at iba pa, upang maiwasan ang sakit na diyabetis at
altapresyon.

Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI_DOST, ang pangunahing ahensiya
ng gobyerno sa pananalilsik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang
impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay
Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address:
mvc@fnri.dost.gov.ph, mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-
3164 Maari ding bisitahin ang FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph.
(FNRI-DOST S & T Media Service/PIA Bulacan)

No comments:

Post a Comment